EL FILIBUSTERISMO NOBELA NI JOSE RIZAL
KABANATA 12 AT 13 SA NOBELANG EL FILIBUSTERISMO
Sa video na ito, makikita natin ang puna ni Jose Rizal sa pag-aaral ng karaniwang noon. Karamihan noon ay walang natutuhan dahil ang mga estudyante ay hindi nagdadala ng libro, malaki ang bilang ng mga estudyante, may mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estyudante, at madalas, walang pasok sa eskwelahan.
Naging makatotohanan ang isyung panlipunan sa sistemang pang-edukasyon sa kwento na ito dahil nakabatay ito sa mga puna ni Jose Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon.
Hanggang ngayon, nangyayari pa din sa kasalukuyang panahon ang mga isyung pinag-uusapan sa kwento sa mga eskwelahan.
Ito ay isyu pa rin sa ating lipunan hanggang ngayon dahil may mga gurong hindi nagbabahagi ng kaalaman at walang mabuting panghuhusga at karunungan. Sa madaling salita, hindi nila sinusunod ang mga pangunahing layunin ng edukasyon. Malulunasan natin ang isyung ito sa pamamagitan ng pagsunod ng mga pangunahing layunin at umupa ng mga taong tingin mo'y karapat-dapat maging guro.
Hindi dapat kalimutan ang nobelang El Filibusterismo upang mas lalo nating pahalagahan at unlarin ang ating kultura at inang bayan at para rin mapahalaga natin ang mga sakripisyong ginawa ng ating mga Bayani upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila.
Built with Mobirise website software